Hot Posts

6/recent/ticker-posts

PNP at GCash, nagbigay ng tips para sa mas ligtas na password

 

Ipinapaalala ng GCash sa mga users nito na gumamit ng mas mabisang password

Para tulungan ang mga users na protektahan ang kanilang accounts mula sa cyber threats, nagpaalala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at ang nangungunang mobile wallet sa bansa na GCash sa kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas na password at paggamit ng karagdagang security features tulad ng two-factor authentication.

Ginagawa ito ng GCash sa pamamagitan ng educational campaigns na nagtuturong ang mga password na madaling hulaan ay dahilan para maging target ng mga cybercriminals.

"GCash protects accounts with cutting-edge cybersecurity systems that safeguards our users against cybercriminals. We also ensure the public that our security protocols remain several steps ahead of evolving threats. At the same time, we rely on the cooperation of our users to do their part by creating stronger passwords, which is their first line of defense," paliwanag ni Pebbles Sy, Chief Technology and Operating Officer ng GCash.

May tatlong tips naman si PNP-ACG Spokesperson PCAPT Michelle Sabino sa pagbuo ng malakas na passwords.

Tip #1. Palakasin ang online security, mahalaga na umiwas sa paggamit ng mga karaniwang personal na impormasyon tulad ng palayaw, kaarawan, o magkakasunod na numero bilang passwords dahil dito tataas ang tiyansa ng hindi otorisadong pag-access.

Tip #2. Unawain ang kahalagahan ng One-Time Passwords (OTPs), na nagbibigay ng karagdagang seguridad. Huwag ibahagi kaninuman ang OTPs. Gumamit ng two-factor authentication para mas pangalagaan ang iyong account.

Tip #3 Mahalaga na huwag ipagsabi ang sensitibong personal na impormasyon, tulad ng passwords, birthdays, at bank details, para maiwasang samantalahin ito at magamit ng mga kawatan sa identity theft at iba pang ilegal na gawain.

“Maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa PNP-ACG sa aming hotlines sa (02) 8414-1560 at 0998-598-8118 o sa email sa acg@pnp.gov.ph.  Hinihikayat namin ang lahat na i-report ang insidente ng scam, panloloko at iba pang cybcercime,” ayon kay Sabino.

Maaari ring bisitahin ng mga users ang official GCash Help Center sa help.gcash.com o i-message si Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam.” Pwede ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline na 2882 para sa iba pang concern.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.gcash.com.ph.

 

###

 

 

About GCash

 

GCash (G-Xchange, Inc.) is the #1 Finance App in the Philippines. Through the GCash App, users can easily purchase prepaid airtime; pay bills at over 1,600 partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 6M partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash is a wholly-owned subsidiary of Mynt (Globe Fintech Innovations, Inc.), the first and only duacorn in the Philippines which is a part of the country's leading digital solutions platform, Globe Group.

 

GCash is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.


Post a Comment

0 Comments